Request We'll let you know when the product becomes available. Just leave your valid email address below.
Email Quantity We won't share your address with anybody else. Pramis!
Blog

Tunay na Pilipino

Posted On August 21, 2016 at 6:56 pm by / No Comments

Siya nga pala, marunong kaming mag-Tagalog at gumamit ng iba’t ibang wika ng Pilipinas. Hindi mo ‘yan masasabi about many other “Filipino” companies dito sa Tate na Pilipino raw, pero ayaw naman gumamit ng anumang wika natin. Anong klaseng pagsulong ‘yan kung kakalimutan natin ang mga namana nating tradisyon mula sa ating mga ninuno? Ano ang punto ng pagpapayaman sa ibang bansa kung itatapon lang ang ating kultura? Tangkilikin ang sariling atin!

Iyang tindahan sa Jersey City… Pilipino raw sila ‘pag kaharap ang mga Filipino customers. Rarara, Go Manny Pacquiao daw… Pero ‘pag nakatalikod na ang mga tunay na Pinoy, kung anu-anong paglalait at pagbababang-tingin sa mga Pilipinong taga-Pilipinas. Subukan n’yo nga kausapin ang may-ari gamit ang Tagalog o anumang wika natin. Hindi makasagot. Ginagamit lang ang mga Pilipino na parang trapo o basahan.

Nakaka-irita talaga itong mga nagpapanggap na Pilipino at sinasabi na ang LAHAT ng kanilang produkto ay galing daw sa Pilipinas. Hindi naman tayo allergic sa kagamitang banyaga o ginawa sa ibang bansa.

Ang punto namin: Kung gawa sa Tate ng kumpanyang Pilipino gaya ng San Miguel, eh di sabihing ganoon. Kung gawa naman sa Tate ng kumpanyang Amerikano na nagnakaw ng marka (hello, Magnolia logo) mula sa Pilipinas, bakit lilituhin ang mga customers at sasabihing “Magnolia naman yan, eh.” “Purefoods naman yan, eh.” Pekeng Magnolia, ika mo! Hindi Purefoods ng Pilipinas, ika mo. Alamin ang pagkakaiba. Huwag magpaloko.

Saan bang may tunay na Pilipino na bibili ng OMGpeke Magnolia kung alam nila ang katotohanan kung paano ninakaw ng Amerikanong kumpanya ang logo at pangalan mula sa Pilipinas?? WALA. Walang tunay na Pilipino na bibili ng ganoon.